Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 30:4-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Sino ang dalubhasa tungkol sa kalangitan?Sino ang nakapigil ng hangin sa kanyang palad?Sino ang nakapagbalot ng tubig sa isang damit?Sino ang naglagay ng mga hangganan sa daigdig?Sino siya? Sino ang kanyang anak?

5. “Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya.

6. Huwag mong daragdagan ang kanyang salita sapagkat pagsasabihan ka niya bilang isang sinungaling.”