Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 30:12-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. May mga taong nagmamalinis sa sarili,ngunit ang totoo'y walang kasindumi.

13. May mga taong masyadong palalo, ang akala nila'y kung sino na sila.

14. May mga tao namang masyadong masakim,pati mahihirap, kanilang sinisiil.

15. Ang linta ay may dalawang anak, “Bigyan mo ako, bigyan mo ako,” ang lagi nilang hiling.May apat na bagay na kailanma'y di masiyahan:

16. Ang libingan,ang babaing walang anak,ang lupang tuyo na laging nais matigmak,at ang apoy na naglalagablab.

17. Ang anak na kumukutya sa kanyang ama at laging sumusuway sa salita ng ina, tutukain ng uwak ang kanilang mata at kakainin ng buwitre ang kanilang bangkay.

18. May apat na bagay na di ko maunawaan: