Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 3:28-33 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

28. Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan,huwag nang sasabihing, “Bumalik ka't bukas ibibigay.”

29. Huwag gagawan ng masama ang iyong kaibiganna sa iyo'y umaasa, at may tiwalang lubusan.

30. Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan,kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan.

31. Huwag kang maiinggit sa taong marahasni lalakad man sa masama niyang landas.

32. Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot,ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot.

33. Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama,ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala.