Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 3:25-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Kahit hampas nitong bagyo ay dumating nang biglaan,hindi ka mababagabag tulad ng mga mangmang.

26. Pagkat tiwala kang si Yahweh ang kaagapay mo,at di niya hahayaang sa bitag ika'y masilo.

27. Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa,kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ.

28. Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan,huwag nang sasabihing, “Bumalik ka't bukas ibibigay.”

29. Huwag gagawan ng masama ang iyong kaibiganna sa iyo'y umaasa, at may tiwalang lubusan.

30. Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan,kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan.

31. Huwag kang maiinggit sa taong marahasni lalakad man sa masama niyang landas.

32. Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot,ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot.

33. Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama,ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala.

34. Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman,ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.

35. Ang taong matalino'y magkakamit-karangalan,ngunit puro kahihiyan ang aanihin ng mangmang.