Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 3:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin,lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim;

2. upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay,at maging masagana sa lahat ng kailangan.

3. Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran,ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan.

4. Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos,at kikilalanin ka ng mga tao.

5. Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan,at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.