Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 3:1-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin,lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim;

2. upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay,at maging masagana sa lahat ng kailangan.

3. Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran,ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan.

4. Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos,at kikilalanin ka ng mga tao.

5. Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan,at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.

6. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin,upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

7. Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman;igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.

8. Sa gayon, ikaw ay lalakas at magiging matatag,mawawala ang pighati, gagaling ang iyong sugat.

9. Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan,at mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay iyo ring handugan.

10. Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw,sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan.

11. Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin,at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil,