21. Kapag ang utusan ay iyong pinalayaw,siya na ang mag-uutos pagdating ng araw.
22. Ang taong magagalitin ay laging napapasok sa gulo;laging nakikipag-away dahil sa init ng ulo.
23. Ang magbabagsak sa tao'y ang kanyang kapalaluan,ngunit ang mapagpakumbabá ay magtatamo ng karangalan.
24. Ang makipagsabwatan sa magnanakaw ay mahirap na kalagayan:Kapag nagsabi ng totoo, ipabibilanggo ng hukuman,ngunit paparusahan naman ng Diyos kapag ang sinabi'y kasinungalingan.
25. Huwag mong ikabahala ang sinasabi ng iba,magtiwala ka kay Yahweh at mapapanatag ka.