Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 29:17-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Ang anak mo'y busugin sa pangaral,at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan.

18. Ang bansang walang patnubay ng Diyos ay puno ng kaguluhan,ngunit mapalad ang taong sumusunod sa Kautusan.

19. Ang utusan ay di matututo kung ito lang ay pagsasabihan,pagkat di niya susundin kahit ito ay maunawaan.

20. Mabuti nang di hamak ang hangalkaysa taong ang sinasabi'y hindi na pinag-iisipan.

21. Kapag ang utusan ay iyong pinalayaw,siya na ang mag-uutos pagdating ng araw.

22. Ang taong magagalitin ay laging napapasok sa gulo;laging nakikipag-away dahil sa init ng ulo.

23. Ang magbabagsak sa tao'y ang kanyang kapalaluan,ngunit ang mapagpakumbabá ay magtatamo ng karangalan.

24. Ang makipagsabwatan sa magnanakaw ay mahirap na kalagayan:Kapag nagsabi ng totoo, ipabibilanggo ng hukuman,ngunit paparusahan naman ng Diyos kapag ang sinabi'y kasinungalingan.

25. Huwag mong ikabahala ang sinasabi ng iba,magtiwala ka kay Yahweh at mapapanatag ka.

26. Marami ang lumalapit sa hari upang humingi ng tulong,ngunit kay Yahweh lamang makakamtan ang katarungan.

27. Ang masama ay kinasusuklaman ng mga matuwid;ang masasama nama'y sa matuwid nagagalit.