Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 29:11-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan,ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata.

12. Kapag nakinig ang hari sa kasinungalingan,lahat ng lingkod niya'y mabubuyo sa kasamaan.

13. Magkapareho sa iisang bagay ang mahirap at maniniil:Si Yahweh ang may bigay ng kanilang paningin.

14. Kung ang pagtingin ng hari ay pantay-pantay,magiging matatag magpakailanman ang kanyang kaharian.

15. Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan;ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan.

16. Kapag masama ang namamahala, naglipana ang karahasan,ngunit masasaksihan ng matuwid ang kanilang kapahamakan.

17. Ang anak mo'y busugin sa pangaral,at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan.

18. Ang bansang walang patnubay ng Diyos ay puno ng kaguluhan,ngunit mapalad ang taong sumusunod sa Kautusan.

19. Ang utusan ay di matututo kung ito lang ay pagsasabihan,pagkat di niya susundin kahit ito ay maunawaan.

20. Mabuti nang di hamak ang hangalkaysa taong ang sinasabi'y hindi na pinag-iisipan.

21. Kapag ang utusan ay iyong pinalayaw,siya na ang mag-uutos pagdating ng araw.