Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 29:10-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Ang mamamatay-tao ay namumuhi sa taong tapat,ngunit ang matuwid, sa kanila'y nag-iingat.

11. Kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan,ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata.

12. Kapag nakinig ang hari sa kasinungalingan,lahat ng lingkod niya'y mabubuyo sa kasamaan.

13. Magkapareho sa iisang bagay ang mahirap at maniniil:Si Yahweh ang may bigay ng kanilang paningin.

14. Kung ang pagtingin ng hari ay pantay-pantay,magiging matatag magpakailanman ang kanyang kaharian.

15. Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan;ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan.