Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 29:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang taong ayaw magbago ay hindi maliligtas;ang hindi makinig ng payo ay mapapahamak.

2. Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya,ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.

3. Ang nagpapahalaga sa karunungan ay nagbibigay galak sa magulang,ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan.

4. Ang kaharian ay matatag kung ang hari'y makatarungan,ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman.

5. Ang kunwang pumupuri sa kanyang kapwa,nag-uumang ng bitag na sa sarili inihahanda.

6. Ang masama ay nahuhuli sa sariling kasalanan,ngunit ang matuwid ay panatag, may awit ng kagalakan.

7. Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap,ngunit ito'y bale-wala sa mga taong swapang.