Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 28:4-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas,ngunit kalaban nila ang mga taong sa tuntunin ay tumutupad.

5. Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan,ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan.

6. Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran,kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.

7. Ang anak na matalino ay sumusunod sa aral,ngunit ang nakikipagbarkada sa masasama ay kahihiyan ng magulang.

8. Ang kayamanang natamo sa pamamagitan ng patubuanay mauuwi sa maawain at matulungin sa nangangailangan.

9. Ang panalangin ng taong hindi sumusunod sa kautusan ay kasuklam-suklam.

10. Ang tumutukso sa mabuti upang magpakasamaay mabubulid sa sariling pakana,ngunit ang taong may tapat na pamumuhay ay magmamana ng maraming kabutihan.

11. Ang palagay ng mayaman ay marunong siya,ngunit ang mahirap na may unawa ay mabuti pa sa kanya.

12. Kapag matuwid ang nasa kapangyarihan, ang lahat ay nagdiriwang,ngunit kung ang pumalit ay masama, lahat ay nasa taguan.

13. Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti,ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.

14. Mapalad ang taong sumusunod sa ating Diyos,ngunit ang matigas ang ulo ay mapapahamak.

15. Ang masamang hari ay tila leong mabagsikat nakakatakot na parang osong mabangis.

16. Ang haring walang pang-unawa ay tiyak na malupit;ang pamamahala ng tapat na hari ay lalawig.

17. Ang pumatay sa kapwa ay humuhukay ng sariling libingan,at ang taong ito'y di dapat tulungan.

18. Ang taong tapat ay ligtas sa kapahamakan,ngunit ang masama ay biglang mabubuwal.

19. Sagana sa pagkain ang magsasakang masipag,ngunit naghihirap ang taong tamad.