Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 28:1-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol,ngunit panatag ang matuwid, ang katulad ay leon.

2. Kung ang bayan ay magkasala, maraming gustong mamahala,ngunit kung matalino ang namumuno, malakas at matatag ang bansa.

3. Ang pinunong sa mahihirap ay sumisiilay tulad ng ulang sumisira sa pananim.

4. Ang masama ay pinupuri ng masuwayin sa batas,ngunit kalaban nila ang mga taong sa tuntunin ay tumutupad.

5. Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan,ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan.

6. Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran,kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.

7. Ang anak na matalino ay sumusunod sa aral,ngunit ang nakikipagbarkada sa masasama ay kahihiyan ng magulang.

8. Ang kayamanang natamo sa pamamagitan ng patubuanay mauuwi sa maawain at matulungin sa nangangailangan.

9. Ang panalangin ng taong hindi sumusunod sa kautusan ay kasuklam-suklam.

10. Ang tumutukso sa mabuti upang magpakasamaay mabubulid sa sariling pakana,ngunit ang taong may tapat na pamumuhay ay magmamana ng maraming kabutihan.

11. Ang palagay ng mayaman ay marunong siya,ngunit ang mahirap na may unawa ay mabuti pa sa kanya.