Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 27:7-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Ang taong busog ay tatanggi kahit sa pulot-pukyutan, ngunit sa taong gutom, matamis kahit ang ampalaya.

8. Ang taong lumayas sa kanyang tahanan, tulad ng ibong sa pugad ay lumisan.

9. Ang langis at pabango'y pampasigla ng pakiramdam ngunit ang kabalisaha'y pampahina ng kalooban.

10. Huwag mong pababayaan ang iyong kaibigan, ni ang kaibigan ng iyong magulang. Kung ikaw ay nagigipit, huwag sa kapatid lalapit. Higit na mabuti ang kapitbahay na malapit, kaysa isang malayong kapatid.

11. Magpakatalino ka, anak, upang ako'y masiyahan at sa gayo'y di ako mapahiya sa nangungutya man.

12. Alam ng matalino kung may panganib at siya'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.

13. Kunin mo ang kasuotan ng sinumang nananagot para sa iba, at siya ang pagdusahin mo dahil sa pag-ako sa di niya kilala.

14. Ang pahiyaw na pagbati bilang panggising sa kaibigan ay para nang sumpang binibitiwan.

15. Nakakayamot ang asawang masalita tulad ng ulan na ayaw tumila.

16. Mahirap siyang patigilin, para kang dumadakot ng langis o pumipigil sa hangin.

17. Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.

18. Ang nag-aalaga sa punong igos ay makakakain ng bunga niyon; ang aliping may malasakit ay pararangalan naman ng kanyang panginoon.

19. Kung paanong ang mukha ay nalalarawan sa tubig, sa kilos naman nahahalata ang iniisip.