Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 27:5-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito'y lihim pala.

6. May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.

7. Ang taong busog ay tatanggi kahit sa pulot-pukyutan, ngunit sa taong gutom, matamis kahit ang ampalaya.

8. Ang taong lumayas sa kanyang tahanan, tulad ng ibong sa pugad ay lumisan.

9. Ang langis at pabango'y pampasigla ng pakiramdam ngunit ang kabalisaha'y pampahina ng kalooban.

10. Huwag mong pababayaan ang iyong kaibigan, ni ang kaibigan ng iyong magulang. Kung ikaw ay nagigipit, huwag sa kapatid lalapit. Higit na mabuti ang kapitbahay na malapit, kaysa isang malayong kapatid.

11. Magpakatalino ka, anak, upang ako'y masiyahan at sa gayo'y di ako mapahiya sa nangungutya man.