Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 27:19-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Kung paanong ang mukha ay nalalarawan sa tubig, sa kilos naman nahahalata ang iniisip.

20. Ang nasa ng tao'y walang katapusan, tulad ng libingan, laging naghihintay.

21. Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak, ngunit ugali ng tao ay makikilala sa gawa araw-araw.

22. Bayuhin mang parang bigas ang isang taong mangmang, hindi rin maaalis ang kanyang kamangmangan.

23. Ang iyong mga hayop ay iyong bantayan, alagaang mabuti ang iyong kawan.

24. Di mamamalagi ang yaman, ganoon din ang mga nasa kapangyarihan.