Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 27:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Huwag ipagyayabang ang araw ng bukas, pagkat di mo alam kung anong magaganap.

2. Hayaan mong iba ang sa iyo'y pumuri at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin.

3. Ang bato ay mabigat, ang buhangin ay may timbang, ngunit mas mabigat ang kaguluhang dulot ng kamangmangan.

4. Ang galit ay mabagsik, ang poot ay mabangis, ngunit ang pagseselos ay may ibayong lupit.

5. Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito'y lihim pala.

6. May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.

7. Ang taong busog ay tatanggi kahit sa pulot-pukyutan, ngunit sa taong gutom, matamis kahit ang ampalaya.

8. Ang taong lumayas sa kanyang tahanan, tulad ng ibong sa pugad ay lumisan.