Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 26:17-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Ang nakikisali sa gulo ng may gulo ay tulad ng taong dumadakma sa tainga ng aso.

18-19. Ang taong nandaraya saka sasabihing nagbibiro lang ay tulad ng baliw na naglalaro ng sandatang nakamamatay.

20. Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.

21. Kung ang baga'y nagdidikit dahil sa pag-ihip, at nagliliyab ang apoy kung maraming gatong, patuloy ang labu-labo kung maraming mapanggulo.

22. Ang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain; masarap pakinggan, masarap namnamin.