Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 26:13-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Ano ang idinadahilan ng taong batugan? “May leon sa daan, may leon sa lansangan.”

14. Kung paano lumalapat ang pinto sa hamba, ang batugan naman ay sa kanyang kama.

15. Ang kamay ng tamad ay nadidikit sa pinggan, ni hindi mailapit sa bibig dahil sa katamaran.

16. Ang palagay ng tamad, siya ay mas marunong kaysa pitong taong wasto kung tumugon.