Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 26:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang papuri'y di angkop sa taong mangmang, parang ulan ng yelo sa tag-araw o panahon ng anihan.

2. Ang sumpang di nararapat ay hindi tatalab, tulad lang ito ng ibong di dumadapo at lilipad-lipad.

3. Ang latigo'y para sa kabayo, ang bokado'y para sa asno, ang pamalo naman ay sa mangmang na tao.

4. Huwag mong papatulan ang isang mangmang at baka lumabas na higit ka pang mangmang.

5. Sagutin mo ang mangmang ayon sa kanyang kahangalan, upang hindi niya isipin na siya'y may katuwiran.

6. Ang magpadala ng balita sa mangmang ay napakadelikado, para mo na ring tinaga ang mga paa mo.