Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 25:24-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

24. Masarap pa ang tumira sa bubungan ng bahay kaysa loob ng bahay na ang kasama'y asawang madaldal.

25. Kung paano ang malamig na tubig sa labing nauuhaw, gayon ang mabuting balita buhat sa malayong bayan.

26. Bukal na nilabo o balong nadumihan ang katulad ng matuwid na sa masama ay nakipagkaibigan.

27. Kung paanong masama ang labis na pulot-pukyutan, gayon din ang pagkagahaman sa karangalan.