Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 24:25-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Ang nagpaparusa sa masama ay mapapabuti at pagpapalain.

26. Ang tapat na kasagutan ay tanda ng mabuting pagkakaibigan.

27. Ihanda mo muna ang iyong bukid para mayroon kang tiyak na pagkakakitaan bago ka magtayo ng bahay at magtatag ng tahanan.

28. Huwag kang sasaksi laban sa iyong kapwa nang walang sapat na dahilan, ni magsasabi ng kasinungalingan laban sa kanya.

29. Huwag mong sasabihin, “Gagawin ko sa kanya ang ginawa niya sa akin upang ako'y makaganti!”

30. Napadaan ako sa bukid at ubasan ng isang tamad at mangmang.

31. Ito'y puno ng matinik na damo, at gumuho na ang bakod nito.