Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 24:1-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Huwag mong kainggitan ang mga makasalanan ni sa kanila'y makipagkaibigan.

2. Ang nasa isip nila'y laging kaguluhan, at ang dila nila'y puno ng kasinungalingan.

3. Sa pamamagitan ng karunungan, naitatayo ang isang bahay, at ito'y naitatatag dahil sa kaunawaan.

4. Ang loob ng tahanan ay napupuno ng lahat ng magagandang bagay dahil sa karunungan.

5. Ang karunungan ay higit na mabuti kaysa kalakasan. At ang kaalaman ay kapangyarihan.

6. Ang digmaa'y naipagtatagumpay dahil sa mahusay na pagpaplano sapagkat ang tagumpay ay bunga ng mabuting payo.

7. Ang malalim na kasabihan ay di mauunawaan ng mangmang. Wala itong masasabi sa mahahalagang usapan.

8. Ang mahilig sa paggawa ng masama ay tinatawag na puno ng kasamaan.

9. Anumang pakana ng masama ay kasalanan, at kinamumuhian ng tao ang nanunuya sa kapwa.

10. Kung hindi ka makatagal sa panahon ng kahirapan ay nangangahulugan ngang ikaw ay mahina.

11. Tulungan mo at iligtas ang hinatulang mamatay nang walang katarungan.

12. Kapag sinabi mong, “Wala akong pakialam sa taong iyan,” ito'y hindi maikakaila sa Diyos na nakakaalam ng laman ng iyong puso. Alam ito ng Diyos na nakatunghay sa iyo. Pagbabayarin niya ang tao ayon sa ginawa nito.

13. Anak, uminom ka ng pulot-pukyutan at ito'y makakabuti sa iyo. Kung ang pulot-pukyutan ay masarap sa panlasa,