Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 23:6-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Huwag kang makikikain sa taong kuripot, ni nanasain man ang masasarap niyang pagkain.

7. Sapagkat iyon ay maninikit sa iyong lalamunan. Aanyayahan ka nga niyang kumain at uminom, ngunit hindi bukal sa kalooban.

8. Isusuka mo rin ang lahat ng iyong kinain at masasayang lang ang maganda mong sasabihin.

9. Ingatan mo ang iyong dila sa harap ng mga mangmang, hindi nila mauunawaan kahit gaano kaganda ang sabihin mo.

10. Huwag mong babaguhin ang hangganang matagal nang nakalagay, ni sasakupin ang lupa ng mga ulila.

11. Sapagkat ang Tagapagtanggol nila ay makapangyarihan, at siya ang iyong makakalaban.

12. Huwag kang hihiwalay sa mabubuting aral, at pakinggan mong mabuti ang salita ng karunungan.

13. Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo ay hindi niya ikamamatay.

14. Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay.

15. Anak, matutuwa ako kung magiging matalino ka.

16. Makadarama ako ng pagmamalaki kung ang mga salita mo ay may karunungan.