Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 23:25-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Sikapin mong ikaw ay maging karapat-dapat ipagmalaki ng iyong mga magulang at madudulutan mo ng kaligayahan ang iyong ina.

26. Anak, makinig kang mabuti sa akin at tularan mo ang aking pamumuhay.

27. Ang masasamang babae at di-tapat na asawa ay mapanganib na patibong, tiyak na mamamatay ang mahulog doon.