Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 22:22-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman.

23. Sapagkat ipagtatanggol sila ni Yahweh, at aagawan niya ang nang-agaw sa mga iyon.

24. Huwag kang makipagkaibigan sa taong bugnutin, ni makisama sa taong magagalitin,

25. baka mahawa sa kanila at sa bitag ay masilo.

26. Huwag kang mangangako para sa utang ng iba, ni gumarantiya para sa kanya.