Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 22:20-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Tatlumpu ang kawikaang ito. Bawat isa ay magandang panuntunan at magdudulot ng kaalaman.

21. Ituturo nito sa iyo kung ano ang katotohanan. Sa gayon, may maisasagot ka kung may magtanong sa iyo.

22. Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman.

23. Sapagkat ipagtatanggol sila ni Yahweh, at aagawan niya ang nang-agaw sa mga iyon.

24. Huwag kang makipagkaibigan sa taong bugnutin, ni makisama sa taong magagalitin,

25. baka mahawa sa kanila at sa bitag ay masilo.

26. Huwag kang mangangako para sa utang ng iba, ni gumarantiya para sa kanya.

27. Kapag hindi ka nakabayad, hindi ba't kukunin pati ang higaan mo?

28. Huwag mong babaguhin ang mga hangganang itinayo, ito'y inilagay doon ng ating mga ninuno.

29. Alam ba ninyo kung sino ang pinaglilingkuran ng mga mahusay magtrabaho? Sila'y naglilingkod sa mga hari, hindi sa mga alipin.