Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 21:26-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

26. Ang taong tamad ay nanghihingi araw-araw,ngunit ang matuwid ay di nagsasawa ng kabibigay.

27. Ang handog ng masama ay kasuklam-suklam sa Diyos,lalo't ang layunin nito ay di kalugud-lugod.

28. Ang patotoo ng sinungaling ay di papakinggan,ngunit ang salita ng tapat ay pahahalagahan.

29. Alam ng matuwid ang kanyang hinaharap,di tulad ng masama, nagkukunwa, nagpapanggap.

30. Ang kaalaman ng tao, unawa o karununganay di makatutulong kung si Yahweh ay kalaban.

31. Ang kabayo'y naihahanda para sa digmaan,ngunit tanging si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay.