Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 21:2-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto,ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso.

3. Higit na kalugud-lugod kay Yahweh kaysa mga handogang mga gawang makatuwiran at makatarungan.

4. Ugaling mapangmata at pusong mapagyabang,ito ang siyang gabay ng mga makasalanan.

5. Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan,ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan.

6. Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaanay maghahatid sa maagang kamatayan.