Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 21:17-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Ang taong maluho at mahilig sa alak ay di yayaman,bagkus sa hirap siya'y masasadlak.

18. Ang masamang balak sa taong matuwiday babalik sa liko ang pag-iisip.

19. Mas mabuti ang mag-isang manirahan sa ilangkaysa makisama sa asawang madaldal at palaaway.

20. Ang bahay ng matalino'y napupuno ng kayamanan,ngunit lahat ay winawaldas ng taong mangmang.

21. Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatanay nagkakamit ng buhay at karangalan.

22. Ang matalinong pinuno ay makakapasok sa lunsod na may mga bantay,at kanyang maiguguho ang inaasahan nilang muog na matibay.

23. Ang pumipigil sa kanyang dilaay umiiwas sa masama.

24. Ang taong makasarili ay palalo at mapang-api.

25. Gutom ang papatay sa taong batugan,pagkat ayaw niyang ikilos ang kanyang mga kamay.

26. Ang taong tamad ay nanghihingi araw-araw,ngunit ang matuwid ay di nagsasawa ng kabibigay.