Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 21:1-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Hawak ni Yahweh ang isip ng isang hariat naibabaling niya ito kung saan igawi.

2. Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto,ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso.

3. Higit na kalugud-lugod kay Yahweh kaysa mga handogang mga gawang makatuwiran at makatarungan.

4. Ugaling mapangmata at pusong mapagyabang,ito ang siyang gabay ng mga makasalanan.

5. Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan,ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan.

6. Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaanay maghahatid sa maagang kamatayan.

7. Ang masama'y ipinapahamak ng sariling karahasan,pagkat ayaw gawin ang talagang katuwiran.

8. Ang landas ng may sala ay paliku-liko,ngunit ang lakad ng matuwid ay laging wasto.

9. Masarap pa ang tumira sa bubungan ng bahaykaysa sa loob ng bahay na ang kasama'y asawang madaldal.

10. Ang isip ng masama'y lagi sa kalikuan,kahit na kanino'y walang pakundangan.