Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 20:5-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Tulad ng tubig na malalim ang isipan ng isang tao,ngunit ito'y matatarok ng isang matalino.

6. Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat,ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak.

7. Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran,mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.

8. Sa pagluklok ng hari upang igawad ang kahatulan,walang matatagong anumang kasamaan.

9. Sino ang makakapagsabi na ang puso niya'y malinisat di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit?

10. Ang mandarayang timbangan at mandarayang sukatan,kay Yahweh ay parehong kasuklam-suklam.

11. Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang mga gawa;makikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga.

12. Ang taingang nakakarinig at matang nakakakita,parehong si Yahweh ang siyang maylikha.

13. Matulog ka nang matulog at ika'y maghihirap,ngunit maganda ang iyong bukas kung ika'y magsisikap.

14. Ang sabi ng mamimili, “Ang presyo mo'y ubod taas.”Ngunit pagtalikod ay ipinamamalitang nakabarat.

15. Ang taong nakakaalam ng kanyang sinasabi,daig pa ang may ginto at alahas na marami.

16. Ang sinumang nananagot sa utang ng iba,dapat kunan ng ari-arian bilang garantiya.

17. Anumang nakuha sa pandaraya ay parang masarap na pagkain,ngunit kapag tumagal ay para kang kumain ng buhangin.