Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 20:26-30 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

26. Malalaman ng haring matalino ang lahat ng gumagawa ng masama,at pagdating ng araw sila'y pinaparusahan nang walang awa.

27. Binigyan tayo ni Yahweh ng isipan at ng budhi,kaya't wala tayong maitatago kahit na sandali.

28. Ang haring tapat at makatarunganay magtatagal sa kanyang luklukan.

29. Karangalan ng kabataan ang kanyang kalakasan,ang putong ng katandaan, buhok na panay uban.

30. Ang hampas na lumalatay ay lumilinis ng kasamaan,at ang palong nadarama'y humuhugas sa kalooban.