Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 20:22-30 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Huwag mong gantihan ng masama ang masama;tutulungan ka ni Yahweh, sa kanya ka magtiwala.

23. Si Yahweh ay napopoot sa panukat na di tama,siya ay namumuhi sa timbangang may daya.

24. Si Yahweh lamang ang nagtatakda ng ating landasin;kaya huwag ipagyabang ang iyong lakbayin.

25. Bago mangako sa Diyos ay isiping mabuti,upang hindi ka magsisi sa bandang huli.

26. Malalaman ng haring matalino ang lahat ng gumagawa ng masama,at pagdating ng araw sila'y pinaparusahan nang walang awa.

27. Binigyan tayo ni Yahweh ng isipan at ng budhi,kaya't wala tayong maitatago kahit na sandali.

28. Ang haring tapat at makatarunganay magtatagal sa kanyang luklukan.

29. Karangalan ng kabataan ang kanyang kalakasan,ang putong ng katandaan, buhok na panay uban.

30. Ang hampas na lumalatay ay lumilinis ng kasamaan,at ang palong nadarama'y humuhugas sa kalooban.