Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 20:17-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Anumang nakuha sa pandaraya ay parang masarap na pagkain,ngunit kapag tumagal ay para kang kumain ng buhangin.

18. Ang mabuting payo ay kailangan para magtagumpay;kung hindi ka handa huwag nang pumalaot sa labanan.

19. Ang lihim ay nahahayag dahil sa mga tsismis,kaya huwag kang makisama sa taong makati ang dila.

20. Sinumang magmura sa kanyang magulang,parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay.

21. Ang perang hindi pinaghirapan,kung gastusin ay walang hinayang.

22. Huwag mong gantihan ng masama ang masama;tutulungan ka ni Yahweh, sa kanya ka magtiwala.

23. Si Yahweh ay napopoot sa panukat na di tama,siya ay namumuhi sa timbangang may daya.

24. Si Yahweh lamang ang nagtatakda ng ating landasin;kaya huwag ipagyabang ang iyong lakbayin.

25. Bago mangako sa Diyos ay isiping mabuti,upang hindi ka magsisi sa bandang huli.

26. Malalaman ng haring matalino ang lahat ng gumagawa ng masama,at pagdating ng araw sila'y pinaparusahan nang walang awa.

27. Binigyan tayo ni Yahweh ng isipan at ng budhi,kaya't wala tayong maitatago kahit na sandali.

28. Ang haring tapat at makatarunganay magtatagal sa kanyang luklukan.