Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 20:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang alak ay nagpapababa sa dangal ng isang tao,kaya isang kamangmangan ang magpakalulong dito.

2. Ang poot ng hari ay parang leong umuungal,ang gumalit sa kanya'y nanganganib ang buhay.

3. Ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan,ngunit ang gusto ng mangmang ay laging pag-aaway.

4. Ang taong tamad sa panahon ng tanimanay walang magagapas pagdating ng anihan.