Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 19:22-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Kaibig-ibig sa isang tao ang kanyang katapatan,higit na mainam ang mahirap kaysa isang bulaan.

23. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay,ang gumawa nito'y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.

24. Ang kamay ng batugan ay nadidikit sa pinggan,hindi halos makasubo dahil sa katamaran.

25. Parusahan mo ang mapanuya, matututo pati mangmang,pagsabihan mo ang may unawa, lalawak ang kanyang kaalaman.

26. Ang anak na suwail sa magulangay anak na masama at walang kahihiyan.