Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 19:19-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo,mapayuhan mo mang minsan, patuloy ding manggugulo.

20. Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo,at pagdating ng araw, pakikinabangan mo.

21. Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak,ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig.

22. Kaibig-ibig sa isang tao ang kanyang katapatan,higit na mainam ang mahirap kaysa isang bulaan.

23. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay,ang gumawa nito'y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.

24. Ang kamay ng batugan ay nadidikit sa pinggan,hindi halos makasubo dahil sa katamaran.

25. Parusahan mo ang mapanuya, matututo pati mangmang,pagsabihan mo ang may unawa, lalawak ang kanyang kaalaman.