Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 19:15-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Ang taong tamad ay laging nakatihaya;kaya't siya'y magugutom, walang panlagay sa sikmura.

16. Ang tumutupad sa kautusan ay nag-iingat ng kanyang buhay,at ang nagwawalang-bahala sa utos ay tiyak na mamamatay.

17. Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap,at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.

18. Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa,kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya.

19. Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo,mapayuhan mo mang minsan, patuloy ding manggugulo.

20. Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo,at pagdating ng araw, pakikinabangan mo.

21. Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak,ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig.

22. Kaibig-ibig sa isang tao ang kanyang katapatan,higit na mainam ang mahirap kaysa isang bulaan.