Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 19:12-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Ang poot ng hari ay parang leong umuungal,ngunit ang kanyang paglingap ay parang hamog sa halaman.

13. Ang anak na hangal ay kasawiang-palad ng kanyang ama,at tila ulang walang tigil ang bibig ng madaldal na asawa.

14. Namamana sa magulang ang bahay at kayamanan,ngunit si Yahweh lang ang nagbibigay ng mabuting maybahay.

15. Ang taong tamad ay laging nakatihaya;kaya't siya'y magugutom, walang panlagay sa sikmura.

16. Ang tumutupad sa kautusan ay nag-iingat ng kanyang buhay,at ang nagwawalang-bahala sa utos ay tiyak na mamamatay.

17. Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap,at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.

18. Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa,kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya.

19. Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo,mapayuhan mo mang minsan, patuloy ding manggugulo.

20. Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo,at pagdating ng araw, pakikinabangan mo.