Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 18:6-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Ang labi ng mangmang, bunga ay alitan,at ang kanyang bibig, hatid ay kaguluhan.

7. Kanyang bibig, maghahatid sa sariling kasiraan;kanyang labi nama'y isang bitag na kahuhulugan.

8. Ang tsismis ay masarap pakinggan,gustung-gusto ng lahat na pag-uusapan.

9. Ang taong batugan ay sinsama ng taong mapanira.

10. Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan,kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan.

11. Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlungan,akala niya'y maililigtas siya nito sa oras ng kapahamakan.

12. Ang pagmamataas ay nagbubunga ng kapahamakan,ngunit ang pagpapakumbaba, ay karangalan.

13. Nakakahiya at isang mangmang ang isang taong sumasagot sa tanongna hindi naman niya nalalaman.

14. Ang matatag na kalooban ay mabuti sa tao,ngunit kung mahina ang loob, anong mangyayari rito?

15. Ang matalino ay nagdaragdag ng kaalaman,ang may unawa'y namumulot pa ng karunungan.