Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 18:4-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ang wika ng tao ay bukal ng karunungan,parang dagat na malalim at malamig na batisan.

5. Ang pagkiling sa may sala ay isang kamalian;gayundin naman kung ipagkakait ang katarungan.

6. Ang labi ng mangmang, bunga ay alitan,at ang kanyang bibig, hatid ay kaguluhan.

7. Kanyang bibig, maghahatid sa sariling kasiraan;kanyang labi nama'y isang bitag na kahuhulugan.

8. Ang tsismis ay masarap pakinggan,gustung-gusto ng lahat na pag-uusapan.

9. Ang taong batugan ay sinsama ng taong mapanira.

10. Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan,kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan.

11. Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlungan,akala niya'y maililigtas siya nito sa oras ng kapahamakan.

12. Ang pagmamataas ay nagbubunga ng kapahamakan,ngunit ang pagpapakumbaba, ay karangalan.

13. Nakakahiya at isang mangmang ang isang taong sumasagot sa tanongna hindi naman niya nalalaman.

14. Ang matatag na kalooban ay mabuti sa tao,ngunit kung mahina ang loob, anong mangyayari rito?

15. Ang matalino ay nagdaragdag ng kaalaman,ang may unawa'y namumulot pa ng karunungan.

16. Kung nais mapalapit sa maykapangyarihan,magdala ng regalo, sa kanya ay ibigay.

17. Ang unang pahayag ay inaakalang tama,hangga't hindi naririnig, tanong ng kabila.

18. Ang sigalot ay maaaring malutas sa palabunutan,at mapagkasundo ang mahigpit na magkaaway.

19. Ang kaibigang nasaktan ay higit pa sa lunsod na napapaderan,ang di pagkakaunawaan ay mas matibay pa kaysa isang tarangkahan.

20. Anumang sabihin ng tao ay kanyang pananagutan,ayon sa kanyang salita siya'y gagantimpalaan.

21. Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay,makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.