Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 17:26-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

26. Ang pagpaparusa sa matuwid ay hindi makatuwiran,maging ang pagpapahirap sa taong buhay marangal.

27. Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita,ang mahinahon ay taong may pagkaunawa.

28. Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong;kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.