Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 17:2-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Ang tusong alipin ay makakahati pa sa mamanahin,ng anak ng kanyang amo kung ito'y inutil.

3. Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak,ngunit sa puso ng tao'y si Yahweh ang sumisiyasat.

4. Ang taong masama ay nakikinig sa payo ng masama,at ang sinungaling ay sumusunod sa baluktot na dila.

5. Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal,at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan.

6. Ang mga apo ay putong ng katandaan;ang karangalan ng mga anak ay ang kanilang magulang.

7. Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang,ni ang kasinungalingan sa taong marangal.

8. Sa paniwala ng iba ang suhol ay parang salamangka;kaya lahat ay makukuha kung may pansuhol ka.

9. Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan,ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.

10. Ang matalino'y natututo sa isang salitangunit ang mangmang ay hindi, hampasin mang walang awa.

11. Ang nais ng masama'y paghihimagsik,kaya ipadadala sa kanya'y isang sugong malupit.