Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 17:13-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa,ang kapahamakan sa buhay ay di mawawala.

14. Ang simula ng kaguluha'y parang butas sa isang dike;na dapat ay sarhan bago ito lumaki.

15. Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan,kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.

16. Walang katuturan ang gumugol para sa pag-aaral,ng isang taong pumili na siya'y maging mangmang.

17. Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon,at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

18. Ang mangangakong magbayad para sa utang ng iba,kamangmangang maituturing ang kanyang ginagawa.

19. Ang umiibig sa kaguluhan ay umiibig sa kasalanan;at ang mayayabang ay naghahanap ng kapahamakan.

20. Ang masamang isipan ay hindi uunlad,ang sinungaling ay aabot sa kasawiang-palad.

21. Ang mga magulang ng anak na mangmang,sakit sa damdamin ang nararanasan.

22. Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan,at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.

23. Ang katarungan ay hindi nakakamtan,kung itong masama, suhol ay patulan.

24. Karunungan ang pangarap ng taong may unawa,ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala.

25. Ang hangal na anak ay problema ng kanyang amaat pabigat sa damdamin ng kanyang ina.

26. Ang pagpaparusa sa matuwid ay hindi makatuwiran,maging ang pagpapahirap sa taong buhay marangal.

27. Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita,ang mahinahon ay taong may pagkaunawa.