Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 16:4-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan,at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan.

5. Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang,at sila'y tiyak na paparusahan.

6. Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran,ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan.

7. Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh,maging ang mga kalaban, sa kanya'y makikipagbati.

8. Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraanay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.

9. Ang tao ang nagbabalak,ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.

10. Ang bibig ng hari ay bukal ng mga pasyang kinasihan,hindi siya namamali sa lahat niyang kahatulan.

11. Ang nais ni Yahweh ay tamang timbangan,at sa negosyo ay katapatan.

12. Di dapat tulutan ng isang hari ang gawang kasamaan,pagkat ang katatagan ng pamamahala ay nasa katarungan.

13. Ang nais pakinggan ng hari ay ang katotohanan,at ang nagsasabi nito ay kanyang kinalulugdan.

14. Sinisikap ng matalino na masiyahan ang kanyang hari;kapag nagalit ang hari, may buhay na masasawi.

15. Ang kagandahang-loob ng hari ay parang ulap na makapal,may dalang ulan, may taglay na buhay.