Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 16:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula,ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila.

2. Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos,ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos.

3. Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin,at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.

4. Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan,at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan.

5. Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang,at sila'y tiyak na paparusahan.

6. Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran,ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan.