Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 14:18-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Ang taong hangal ay nag-aani ng kamangmangan,ngunit ang matalino'y nagkakamit ng karunungan.

19. Ang makasalanan ay gumagalang sa mabuting tao,at makikiusap na siya'y tulungan nito.

20. Ang taong mahirap kadalasa'y tinatalikuran,ngunit ang mayaman ay maraming kaibigan.

21. Ang humahamak sa kapwa ay gumagawa ng masama,ngunit ang matulungin, ligaya ang tinatamasa.

22. Ang gumagawa ng masama ay mapapahamak,ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y pagkakatiwalaan at igagalang.

23. Ang bawat pagsisikap ay may pakinabang,ngunit ang puro salita, ang bunga ay kahirapan.

24. Ang putong ng matalino ay ang kanyang karunungan,ang kuwintas ng mangmang ay ang kanyang kahangalan.

25. Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng buhay,ngunit ang salita ng sinungaling ay pawang kataksilan.

26. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan,may hatid na katatagan sa buong sambahayan.

27. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay bukal ng buhay,at ang taong mayroon nito'y malayo sa bitag ng kamatayan.

28. Ang karangalan ng hari ay nasa dami ng nasasakupan,ngunit walang kabuluhan ang pinunong walang tauhan.

29. Ang hinahon ay nagpapakilala ng kaunawaan,ngunit ang madaling pagkagalit ay tanda ng kamangmangan.

30. Ang isip na tiwasay ay nagpapahaba ng buhay,ngunit ang kapusukan ay nagbibigay ng kapahamakan.

31. Ang umaapi sa mahirap ay humahamak sa Maykapal,ngunit ang matulungi'y nagdudulot ng karangalan.