Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 14:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang matalinong babae ay nagtatatag ng kanyang bahay,ngunit winawasak ng isang mangmang ang sariling tahanan.

2. Ang gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay lumalakad sa katuwiran,ngunit ang nagwawalang-bahala sa kanya ay nasa likong daan.

3. Ang bawat salita ng mangmang ay may katumbas na parusa,kaya ang matalino'y nag-iingat sa mga salita niya.

4. Kung saan walang baka, ang kamalig ay walang laman,datapwat sa maraming baka, sagana ang anihan.