Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 13:10-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan,ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.

11. Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala,ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.

12. Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban,ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan.

13. Ang nagwawalang-bahala sa payo ay hahantong sa sariling kapahamakan,ngunit ang nagpapahalaga sa utos ay gagantimpalaan.